CDC Guidelines for Coronavirus (Covid-19) Translated into Tagalog
This has been translated as a courtesy by The Spanish Group, which is not affiliated with the CDC, from the English original on the CDC's website: https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/downloads/2019-ncov-factsheet.pdf
Table of Contents
Ano ang coronavirus disease 2019 (COVID-19)?
Ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay isang sakit sa panghinga na maaaring kumalat nang tao sa tao. Ang virus na nagdudulot ng COVID-19 ay isang novel coronavirus na unang nakita sa isang imbestigasyon ng pagkalat sa Wuhan, China.
Maaari bang makakuha ng COVID-19 ang mga tao sa E.U.?
Oo. Ang COVID-19 ay kumakalat nang tao sa tao sa ilang bahagi ng Estados Unidos. Ang panganib ng pagkahawa sa COVID-19 ay mas mataas para sa mga taong may malapitang ugnayan sa taong kilalang may COVID-19, halimbawa ay mga manggagawa sa pangangalaga ng kalusugan, o mga miyembro ng sambahayan. Ang iba pang mga tao na may mas mataas na panganib ng pagkahawa ay ang mga taong nakatira sa o kamakailan lamang ay nasa isang lugar na may patuloy na pagkalat ng COVID-19. Alamin ang higit pa tungkol sa mga lugar na may patuloy na pagkalat sa https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/about/transmission.html#geographic.
May mga kaso na ba ng COVID-19 sa E.U.?
Oo. Ang unang kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos ay naiulat noong Enero 21, 2020. Ang kasalukuyang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos ay makukuha sa webpage ng CDC sa https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/cases-in-us.html.
Paano kumakalat ang COVID-19?
Ang virus na nagdudulot ng COVID-19 marahil ay nagmula sa isang hayop, subalit ngayon ay kumakalat na nang tao sa tao. Iniisip na ang virus ay kumakalat higit sa lahat sa pamamagitan ng malapitang ugnayan sa isa’t isa (sa loob ng 6 na talampakan) sa pamamagitan ng mga patak sa panghinga na nagagawa kapag ang isang tao ay umuubo o bumabahing. Posible din na makakuha ng COVID-19 ang isang tao sa pamamagitan ng paghawak sa isang bagay na kinaroroonan ng virus at pagkatapos ay paghawak sa kanilang sariling bibig, ilong o posibleng ang kanilang mata, subalit hindi iniisip na ito ang pangunahing paraan ng pagkalat ng virus. Alamin kung ano ang mga nalalaman tungkol sa pagkalat ng bagong labas na mga coronavirus sa https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/about/transmission.html.
Ano ang mga sintomas ng COVID-19?
Ang mga pasyenteng may COVID-19 ay may banayad hanggang sa malubhang sakit sa panghinga na may mga sintomas ng
• lagnat
• ubo
• pag-iksi ng paghinga
Ano ang mga malubhang komplikasyon sa virus na ito?
Ang ilang mga pasyente ay may pulmunya sa parehong baga, panghihina ng iba’t ibang organ at kamatayan sa ilang mga kaso.
Paano ko matutulungang protektahan ang aking sarili?
Matutulungan ang mga taong protektahan ang kanilang sarili mula sa sakit sa panghinga gamit ang pang-araw-araw na mga aksyon sa pag-iwas.
• Iwasan ang malapitang ugnayan sa mga taong may sakit.
• Iwasang hawakan ang iyong mag mata, ilong, at bibig ng di-nahugasang mga kamay.
• Madalas na maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig nang di bababa sa 20 na segundo. Gumamit ng may alkohol na hand sanitizer na may di bababa sa 60% na alkohol kung walang sabon at tubig.
Kung ikaw ay may sakit, upang maiwasang ikalat ang sakit sa panghinga sa iba, dapat kang
• Manatili sa bahay kapag ikaw ay may sakit.
• Magtakip ng tisyu kapag umubo o bumahing, pagkatapos ay itapon ang tisyu sa basurahan.
• Linisin at disimpektahin ang mga madalas na hinahawakang bagay o gamit.
Ano ang dapat kong gawin kung bumiyahe ako kamakailan lang mula sa lugar na may kasalukuyang pagkalat ng COVID-19?
Kung ikaw ay bumiyahe mula sa isang apektadong lugar, maaaring may mga paghihigpit sa iyong mga paggalaw nang hanggang sa dalawang linggo. Kapag nagkaroon ka ng mga sintomas sa panahong iyon (lagnat, ubo, hirap sa paghinga), humingi ng payong medikal. Tumawag sa tanggapan ng iyong tagabigay ng pangangalagang pang-kalusugan bago ka umalis, at ipaalam sa kanila ang iyong pagbiyahe at mga sintomas. Bibigyan ka nila ng mga tagubilin sa kung paano mag-ingat nang hindi malantad ang ibang tao sa iyong sakit. Habang may sakit, iwasang makipag-ugnayan sa mga tao, huwag lumabas at ipagliban ang pag-biyahe upang mabawasan ang posibilidad ng pagkalat ng sakit sa iba.
Mayroon bang bakuna?
Sa kasalukuyan ay walang bakuna upang maprotektahan laban sa COVID-19. Ang pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang impeksyon ay ang paggawa ng pang-araw-araw na mga aksyon sa pag-iwas, gaya ng pag-iwas sa malapitang ugnayan sa mga taong may sakit at madalas na paghugas ng inyong mga kamay.
Mayroon bang paggamot?
Walang tiyak na antiviral na paggamot para sa COVID-19. Ang mga taong may COVID-19 ay maaaring humingi ng atensyong medikal upang mapawi ang mga sintomas.
bilang kagandahang loob ng The Spanish Group na walang relasyon sa CDC.
https://thespanishgroup.org/