Pag-intindi sa virus na nagdudulot ng COVID-19.
Ang mga coronavirus tulad ng sanhi ng COVID-19 ay pinangalanan para sa mga tila koronang mga spike sa kanilang ibabaw, na tinatawag na mga spike protein. Ang mga spike protein na ito ay mainam na mga target para sa mga bakuna.
Ano ang mRNA?
Ang messenger RNA, o mRNA, ay henetikong materyal na nagsasabi sa iyong katawan kung paano gumawa ng mga protina.
Pagkatapos ihatid ng mRNA ang mga tagubilin sisirain ito ng iyong mga selula at tatanggalin ito.
Ano ang nasa bakuna?
Ang bakuna ay gawa sa mRNA na nakabalot sa isang patong na nagpapadali sa paghahatid nito at pinipigilan ang katawan na masira ito.
AY HINDI NAGLALAMAN ng ANUMANG virus, kaya hindi ka nito mabibigyan ng COVID-19.
Paano gumagana ang bakuna?
Ang mRNA sa bakuna ay tinuturuan ang iyong mga selula kung paano gumawa ng mga kopya ng spike protein. Kung ikaw ay malalantad sa tunay na virus sa hinaharap, makikilala ito ng iyong katawan at alam kung paano ito labanan paalis.
Kapag rumisponde ang iyong katawan sa bakuna, maaari itong maging sanhi ng banayad na lagnat, sakit ng ulo, o panginginig. Normal lamang ito at at isang tanda na gumagana ang bakuna.
Translated by The Spanish Group LLC a document translation service. This document translation is provided as a courtesy by The Spanish Group which is not affiliated with the CDC.
https://thespanishgroup.org/
https://thespanishgroup.org/
Magpapabakuna? Para sa karagdagang impirmasyon tungkol sa bakuna sa COVID-19, bumisita sa: http://cdc.gov/coronavirus/vaccines